Cheat your way out

Medyo nagiging rampant yata yung mga galawang makikipag-cool off muna or biglaang makikipag-break nang walang maayos na paliwanag para maka-exit sa relasyon nila. Garapal pa 'yang iba dyan kasi confident mag-flex ng bago days/weeks after nila saktan yung partner nila. Ang gagaling niyo. Saang tindahan niyo nabibili 'yang kapal ng mukha? Hindi naman kami na-inform na ganyan pala dapat itrato yung mga taong pure ang intentions sa inyo. Tapos kapag na-call out 'yan sila parang ikaw pa masama at nakagawa ng mali, e sila naman 'tong hindi marunong mag-handle ng confrontation. Ang gagaling husayan niyo pa. 🙃